Ako noong bininyagan |
Ako si Darwin C. Averion, isinilang noong Disyembre 13, 1995 sa Laguna Provincial hospital. Ipinanganak ako noong umaga pero hindi ko na matandaan ang oras nito, pati na rin ang mama ko nakalimutan na rin. Bininyagan ako kasabay ng fiesta sa aming barangay, at nagkataon na rin na naghahanda ang lolo ko. Napakasaya ng lahat noon.
Ang aking 1st birthday |
At makalipas ang ilang buwan ako ay nagdiwang ng aking 1st birthday. Maraming inimbitahan noon dahil marami ding kakilala sa mga magulang ko kasama na rin ang mga ka-opisina at mga kaibigan ng lolo at lola ko.
Kada taon nagkakaroon kami ng reunion, buong pamilya ay nandoon. Pero ang mga lolo at lola ko ay nagkakasakit na kaya hindi nila ma-enjoy ito. Lagi kaming napunta sa iba’t ibang lugar upang mag outing at mag- swimming. Lahat kasama na rin ang mga drayber ay kasama dito kay lahat kami ay masaya.
ang outing ng aming buong pamilya |
Makalipas ang apat na taon nung ako’y pinanganak, nagkasakit at namatay ang aking lola. Namatay siya dahil sa stroke. At isang taon pa ang nakalipas namatay naman ang aking tita dahil sa bone cancer. Nalungkot kaming lahat dahil malalapit ang loob ng magkakapatid sa isa’t isa. Nakakaawa rin ang aming mga pinsan dahil bata pa ang mga ito nung namatay ang kanilang mama. Pinagtulong- tulungan nila na buhayin ang isa’t isa. Nakaraos din sila.
At noong 2003 namatay naman ang aking lolo, namatay din siya dahil sa stroke. Maraming nakiramay sa amin, pero nakakalungkot pa rin ang pangyayari. Natutuhan din naming masanay sa mga pang yayari.
At noong medyo malaki na ako, sinasali na ako sa mga laban sa basketball. At noong ako’y bata isinasali ako sa mga laban sa iskul kagaya na rin ng mr. and ms. Saint therese kung saan ako ang nanalo dito. Pero ang paligsahang ito ay perahan pero nung ako ay lumaban wala pang perahan dito.
At kapag sports fest na, inilalaban sa mga palaro sa skul. Nagkakaroon ng dayaan dito.Pero masaya pa rin, dahil pwede kaming gumawa ng sariling booth at palaro, kung saan kami nagkakaroon ng pera.
At sa mga perang nakukuha dito, pinaghahatian namin ito. Bahala na kami kung paano namin gagastahin ang pero. Kaming magpipinsan nalalake, ginagasta namin ito sa paglalaro ng video game. At habang kami ay lumalaki nagsasawa na kami sa paglalaro nito.
Sa pag-aaral naman, noong una magaling ako. Pero napansin ng aking mga magulang na kulang ang ibinibigay na impormasyon. Kaya napagpasyahan nilang ilipat ako sa ibang iskul. Ang pangalan ng iskul na pinaglipatan ko ay capitol view christian school. Naisip ko na tama nga ang paglilipat nila sa akin dahil mas natututo ako sa skul na ito. Bukod sa pag-aaral binibigyan ka ng time upang magpahinga. Nagkakaroon kami ng bible study tuwing miyerkules at recreation sa araw ng biyernes. Kahit bago pa lamang ako dito, lahat ng mga tao ay mababait. Lagi nilang kinakausap at tinuturuan ang mga bago dito. Tatlong taon ako nag-aral sa paaralan na ito, pero sa huling taon napahiwalay ako sa mga kaibigan ko sa seksyon A. Pero nakahanap ako ng mga bagong kaibigan, syempre namimiss ko ang mga kaklase ko dati. At ang mga naging matalik ko na mga kaibigan ay sila Adrian, Onemig, Roger, Bryze, Cjay, Anthony,Tyrone, TJ, Michael, Laurence, Moza, Jonathan. Sa kabilang seksyon naman ay sila Aljon,Ken,JC, Jovin, Philip, Masaki. Kahit ako ay napalipat sa kabilang seksyon, naging masaya pa rin kami. Bago matapos ang taon nagkaroon kami ng retreat sa Rizal Recreational Center. Maganda ang tanawin dito, malinis at tahimik. Kumpleto ito sa mga paglilibangan, may soccer field, basketball court, bowling alley, at volley ball court at syempre ang higanteng chess.
Pinakita nila ang iba’t ibang klase ng trumpo at yoyo. At ang hindi ko makalimutan ay ang higanteng trumpo. Kailang limang tao ang humila sa tali at ang tali ay napaka-kapal na lubid. Tinuruan din nila kami kung paano magbowling. Nagkaroon ng mga paligsahan sa basketball. May nakalaban kaming taga ibang iskul, magagaling sila pero nakaya pa rin namin silang matalo.
Pagdating ng gabi nagkaroon kami ng parang maliit na js. Tinuruan kami tungkol sa fine ding. Marami sa aming pinakain na iba’t ibang putahe. Lahat ng mga pagkain na pinakain nila sa amin ay napakasarap. At nang matapos na ng gabi naisip naming patapos na ang taon, magkakalayo na rin kaming lahat. Lilipat na ang mga ito sa ibang skul.
Dumating na nga ang araw ng graduation.Maraming dumalo sa araw na iyon. Lahat kami ay masaya dahil matatpos na kami sa elementary. Pero noong matatapos na ang program, pinakanta kami. Dahil sa kantang ito nag-iyakan ang mga kaklase naming babae. Pero natapos pa rin ito, wla kaming magagawa upang pigilan ito.
Mga ilang araw pagkatapos ng graduation., kumuha ako ng entrance exam para sa science curriculum. Hindi ko akalaing makakapasa ako dahil mahirap ang mga tanong na ibinigay. At saka pala kumuha din ako sa santa cruz ng entrance exam, nakapasa din ako dito. Ibinalita sa akin ito ng aking ate at ng aking pinsan.
Dumating na ang araw ng pasukan. Noong una lalabing lima lang kami, dahil dito pinakuha din ng test ang mga nasa seksyon A. nakumpleto na din kami. Noong unang dumating ang mga bagong kaklase parang mahirap makitungo sa kanila. Pero makalipas ang ilang araw nagka-usap usap na din kami. Madali naming napakisamahan ang isa’t isa. Noong una sa rum lang kami naglilibang. Sama- sama kaming naglalaro sa loob ng classroom. Pero nang nadiskubre ng isa naming kaklase ang paglalaro ng CABAL. Naadik ang lahat dito. Imbis na tumambay kami sa rum at sa oval, unahan kaming tumatakbo papunta sa computer shop. At may ilang kaming kaklase na nangtatraydor, nangunguna sila sa computer shop. At sa araw-araw naming paglalaro, marami kaming nakilala doon. Pati na rin ang nag seserver ang naging ka close namin ang pangalan niya ay ATE MONAY. Pero nawala din siya sa computer shop. Simula noon pumanget na ang computer shop na iyon. Kaya lumipat kami sa HARUROT. Araw- araw kaming naglalaro dito. Una namin nilalaro ay cabal. Pataasan kami ng lvl dito.
At dahil sa kaadikang ito bumaba ang aming mga grado. Maraming nameligro sa Science kasama na rin ako dun. Kinabahan kaming lahat. Pero mayroon pa ring natanggal dahil nag transfer sila sa ibang iskul. Kahit nabawasan kami naging masaya pa rin kami.
Nakaraos din kam papuntang second year. Maraming naganap noon katulad ng paglaban namin sa florante at laura. Pinagpaguran namin ang pagbuo. Pinagtuunan namin ng pansin at panahon upang ito ay mabuo. Marami sa aming tumulong sa pagbuo nito. Pero sa pagdating ng araw ng labanan, nagawa naman namin ito ng maayos subalit hindi pa rin kami pinalad, second place ang naabot namin. Marami ding magagaling umarte sa ibang seksyon. Natalo kami ng 2 A. pero masaya pa rin ang lahat dahil nairaos nabin ang play na iyon. Nagbunga din ang aming pagsisikap at pagpapagod.
Marami na namang nameligro sa taong iyon. Pero salamat na rin sa aming adviser dahil iniligtas niya kami. Wala pa ring natanggal sa amin. Naging masaya ang taong yon dahil mas lalo naming nakilala ang isa’t isa. Mas nakilatis namin ang sa’t isa. Dahil dun mas naging kumportable kami sa isa’t isa.
Naganap na ang recognition, kakaunting lalake ang nakapasok sa honor roll. Natatawa kami sa aming mga sarili dahil iisa lamang ang lalakeng nakapasok sa honor. Masaya kami para sa kanya. Kahit nagcocomputer palai, nakakapasok pa rin sa rankings.
Ngayong taon ay lalong naging masaya, nararamdaman na naming magkakahiwahiwalay na kami dahil mahiram makakuha ng mataas na grado sa taong ito. Mahihirap ang mga subjects ngayon dahil nadadagdagan ang mga subject at mas lalong naging mahirap ang subject ng math at science.
Nagkaroon kami ng science camp. Halos lahat ng mga estudyante ay sumali. Maraming activities na pinagawa sa amin sa tatlong araw naing nandoon. Lalong naging masaya dahil doon kami natulog. Marami kaming nagawa nang magkakasama. At sa taong iyon noon lang kami nakumpleto na mga lalake, pero may isang hindi nakasama. Pinakamasaya ang science thrill. Maraming pinagapang sa putik, pinalublob sa tubig kaya ang mga ito ay mababaho. Maraming pinahiga sa lupa upang magbuo ng iba’t ibang letra. Hindi nakakapagod ang pagtakbo takbo dahil. Maraming tumatakbo rin. At sa mga pagtakbo mo ay mga challenge na naghihintay sa iyo. At isa pa doon ay gabi na rin. At noong huling gabi, nagkaroon ng mga pageant. Maraming magagandang babae na nandun. At noong umaga na tinapos na ang sci-camp.
At bago magpasko, nagkaroon kami ng field trip. Marami kaming napuntahang lugar. Pinuntahan namin ang Fort Santiago. Napakaganda at tahimik ang lugar na ito. Makasaysayan ito dahil, dito kinulong si Dr. Jose Rizal. Nakita din namin dito ang mga kagamitan ni Dr. Jose Rizal. Tulad ng kanyang mga pang opera, ang unang limbag na Noli Me Tangere, ang kanyang tungkod at pati na rin ang kaniyang duguang damit. Ang mga pinuntahan namin ay sadyang makasaysayan. Namulat kami sa mga nangyari noon at kung gaano nila kamahal ang ating bayan ibinuwis nila ang kanilang buhay. Kaya mas pinapahalagahan na namin ang ating bansa ngayon.
Ang buong tropa |
At makakailan lang nagkaroon kami ng eco tour. Mas naging close kami sa panahong iyon. Mas nakilala namin ang isa’t isa. Mas naging open kami sa isa’t isa. Ang saya ng araw na iyon., madami kaming pinuntahan na lugar. Nabigyan nila kami ng mas makubuluhang imporasyon tungkol sa kalikasan. At kaya kami ng ganitong klaseng paglalakbay upang humanap ng research adviser at mga impormasyon kung paano namin sisimulan ang aming research.
Ang napakagandang tanawin |
Noong magtatanghalian na, umakyat kami papuntang national arts center. Talagang mahirap ang pagakyat dito dahil masyado itong matarik at nakakapagod din ang pag-akyat dito. Magkakasama kaming umakyat. At noong makaakyat na kami doon, dumayo lang pala kami upang mananghalian. Natatawa kami dahil kung sino pa yung nagyayaya siya pa ang nahuli. At pagkababa namin, pumunta kami sa DOST. At pagkatapos noon, dumeretso kami papuntang Robnson’s. naglaro kami doon sa arcade. Napakasaya talaga noong araw na iyon. At nang kami ay pauwi na, lahatng mga lalake ay lambot na. Pero ang mga babae ay napakaingay kaya sumakit ang ulo ko.
Nararamdaman na namin ang paghihiwalay namin dahil sinabi ng aming mga guro ay may matatanggal na sa amin. Nakakamiss din ang mga pinag- gagagawa namin sa panahon na kami ay magkakasama. Sa susunod na taon hindi na namin ito magagawa kaya nilulubos- lubos na namin ito. At ito ngang nakalipas na school concert magkakasama kami sa panonood sa concert. Sama- sama kaming kumain.
At ngayon pa lamang mamimiss namin ang isa’t isa lalung lalo na ang mga lalake dahil kaming mga lalake ay solid. Lagi kaming magkakasundo sa pagdedesisyon. Lagi kaming magkakasama sa pagpunta sa mga gusto naming puntahan. At sa mga kalokohan lagi kaming magkakasama. At sa mga kinahihiligan namin at sa mga uso. Lagi kaming masaya. At kung may napapagalitan sa amin, tintawanan lang namin ang isa’t isa. Ayos lang sa amin ito, wag lang sosobra. At kapag may mga nagcocomputer, kapag may teacher tinatakot namin ang isa’t isa sinasabi namin na lagot siya pero hindi naman. Lagi kaming nagbibiruan. Pero minsan nagkakapikunan din pero hindi naman nahahantong sa sakitan. May mga naglolokohan na nagkakapikunan na at muntik na magsuntukan pero napipigilan din.
At kapag seryoso na ang nangyayari hindi namin hinahayaan na mapagalitan, at kung mapagalitan nga, sasama kami sa mga pagsalo sa kaparusahan.
Mamimiss namin ang mga gawaing ito, pero wala kaming magagawa talagang ganito ang buhay, kailangan talagang magkahiwahiwalay. Pero magkikita-kita pa rin naman kami. Kahit kami ay magkakalayo na, huwag parin natin itapon at kalimutan ang ating pagkakaibigan. At kahit magkakalayo, sana ay aalalahanin pa rin natin ang ating mga pinag samahan. At sa mga darating na mga panahon sana’y maging magkakaibigan pa rin tayo. At alam ko namang lahat tayo ay naging masaya sa panahon na tayo ay magakakasama. Ang mga nangyari sa ating mga magkaklase ay manatili at sana’y maging magkakaibigan pa rin tayo.
Ang mga pangyayaring ito sa ating mga buhay ay hindi mababaon sa limot at laging mananatili sa ating mga puso at isip kahit tayo ay magkakahiwalay na.
Ang aming Eco-tour |